^

Bansa

Butchoy paalis na, bagong bagyo paparating

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Palabas na ng bansa ang bagyong Butchoy pero may isa pang bagyo na nagbabantang pumasok sa area of responsibility ngayong linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servi­ces Administration (PAGASA), inaasahan ang paglabas na sa bansa ni Butchoy pero may bagong namumuong sama ng panahon at kapag naging ganap na bagyo, ito ay tatawaging Carina na may international name na Talim.

Si Carina o Talim ay nasa West Philippine Sea ngayon at nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong linggo.

Kahapon, ganap na alas-11:00 ng umaga, si Butchoy ay namataan sa layong 580 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 195 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes, si Butchoy ay inaasahang nasa layong 1,030 kilometro ng hilagang sila­ngan ng Basco, Batanes o nasa layong 290 kilometro silangan hilagang silangan ng Okinawa, Japan.  

vuukle comment

AYON

BASCO

BATANES

BUTCHOY

KAHAPON

NGAYONG MARTES

PALABAS

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVI

SI CARINA

TALIM

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with