15-day leave sa empleyado na may asawang OFW itinulak
MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara na mabigyan ng 15-araw na special leave ang asawa ng Overseas Filipino Workers (OFW) upang magkaroon ng sapat na panahon sa pamilya.
Tatawaging special leave for Overseas Workers Spouses Act ang House Bill 6196 ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David. Paliwanag ni David, ang pamilya ng isang OFW ang karaniwang nagpapasan ng hirap habang nakahiwalay sa mahal sa buhay na nagsisikap makapagtrabaho sa ibang bansa.
Nakasaad sa panukala na ang sinumang asawa ng OFW na empleado sa pribado o pampublikong tanggapan ay maaaring mag-leave ng hanggang 15 araw na kumpleto ang bayad subalit kailangang magsumite muna sila ng marriage contract, impormasyon tungkol sa trabaho ng asawang OFW at zerox copy ng pasaporte ng kabiyak. Sinuman korporasyon man o tanggapan na lalabag ay pagmumultahin ng hindi lalagpas sa P50,000 o pagkabilanggo mula 30 araw hanggang anim na buwan.
- Latest
- Trending