BFP naghahanda na sa tag-ulan
MANILA, Philippines - Naghahanda na sa pagsapit ng tag-ulan ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan ay puspusan ngayon ang kanilang ginagawang ‘water rescue training’ bilang suporta sa Disaster Preparedness Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa ulat kay DILG Secretary Jesse M. Robredo, sinabi ni Muntinlupa City Fire Station Chief Insp. Rodrick Aguto, sunud-sunod ngayon ang isinasagawa nilang pagsasanay sa iba’t ibang barangay na madalas bahain kapag bumubuhos ang ulan.
Sinabi ni Aguto, sinimulan nila ang pagsasanay sa kanilang personnel gayundin ang mga barangay volunteers para maging handa kapag may dumating na kalamidad tulad ng malalakas na pag-ulan at bagyo.
Ang pagsasanay ay sinimulan ngayong buwan malapit sa lawa ng Laguna Lake sa kahabaan ng Alabang.
Ang BFP Muntinlupa ay mayroong amphibian at rubber boats na magagamit sa sandaling magkaroon ng pagbaha sa alin man lugar sa Metro Manila.
- Latest
- Trending