De Lima laglag sa pagka-CJ
MANILA, Philippines - Wala na sa listahan si Justice Secretary Leila de Lima sa mga pagpipilian ng susunod na Chief Justice ng bansa.
Ayon kay de Lima nirerespeto niya ang naging desisyon ni Pangulong Aquino na huwag na siyang isama sa mga pagpipilian na ipapalit kay dating chief justice Renato Corona.
Magugunitang maagang umugong ang pangalan ni de Lima sa mga mano-nominate sa nasabing posisyon.
Naniniwala si Pangulong Aquino na mas maraming magagawa si de Lima kung mananatili ito sa Department of Justice.
Samantala, kabilang sa mga maagang na-nominate ay sina women and childrens right advocate Atty. Katrina Legarda, Solicitor-General Francis Jardeleza at Ateneo de Manila College of Law Dean Cesar Villanueva.
Hanggang sa Hunyo 18 bukas ang Judicial and Bar Council para sa mga isusumiteng nominasyon bago pormal na simulan ang pagsasala sa mga aplikante.
- Latest
- Trending