Verzosa, 19 pa handang arestuhin ng PNP sa chopper scam
MANILA, Philippines - Nakahanda ang Phi lippine National Police (PNP) na arestuhin si dating PNP Chief ret. Director General Jesus Verzosa at may 19 pang opisyal kaugnay ng maanomalyang pagbili ng helicopter para sa organisasyon noong 2010.
Sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Gene roso Cerbo Jr. na hinihintay na lamang nila na mag-isyu ng kautusan ang Office of the Ombudsman sa warrant of arrest laban sa 20 PNP officials sa pangunguna ni Verzosa.
Ang reaksyon ay ginawa ni Cerbo matapos pormal ng maghain ng kasong graft ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo at 20 opisyal ng PNP kaugnay ng chopper scam.
Sinabi ni Cerbo na sa 20 PNP officers na isinasangkot sa P104.9 M overpricing ng tatlong Robinson R44 Raven chopper na dalawa ay segunda mano, pito sa mga opisyal ang retirado na sa serbisyo at 13 ang aktibo na kinabibilangan nina Chief Supt Herold Ubalde, dating director ng Legal Service at Chief Supt. Luis Saligumba, Director ng Police National Training Institute.
Sa kasagsagan ng pag-iimbestiga sa kaso ay nagsumite ng leave of absence si Ubalde na nasa holding group ng PNP.
- Latest
- Trending