Hatol na 'guilty' vs Corona ipinababasura sa SC
MANILA, Philippines – Pinababasura nina Atty. Allan Paguia at Atty. Homobono Adaza sa Supreme Court (SC) ang conviction ni dating Chief Justice Renato Corona kasabay ng kahilingan na magsagawa ng oral argument para talakayin ang umano’y kwestyunableng conviction ng impeachment court.
Sa limang pahinang urgent motion, hiniling ng dalawang abogado sa hukuman na magpalabas ng writ of preliminary injunction laban sa nasabing desisyon ng impeachment court at desisyunan ang petisyon bago pa mapaso ang 60 day period para sa pagkwestyon sa nasabing desisyon.
Iginiit ng mga ito na lumabag sa Section 3 Article 11 at Section 1 ng Article 3 ng Saligang Batas ang Senado nang hindi nito iberipika kung dumaan sa tamang proseso ang inihaing verified complaint.
Kapwa nanindigan ang mga ito na ang kataas-taasang hukuman pa rin ang may final word sa batas at hindi ang impeachment tribunal.
Dagdag pa ng mga ito, sa simula pa lang ay dapat nag-inhibit na sa pagiging senator judges sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Edgardo Angara dahil ang anak nitong sina Rep. Jack Enrile at Rep. Sonny Angara ay isa sa 188 lumagda sa impeachment.
- Latest
- Trending















