7,400 nabigyan ng trabaho ni Recom
MANILA, Philippines – Umabot sa 7,400 residente ang nabigyan ng hanapbuhay ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa apat na mega job fair na sinimulan noong February hanggang May ng taong kasalukuyan.
Sa ulat na isinumite ni Labor and Industrial Relations Office (LIRO) officer-in-charge Dante Esteban, sa mega job fair noong February 15 ay 222 ang na-hire on the spot (HOTS) habang 1,942 ang pinabalik para sa pagkumpleto ng kanilang mga kailangang dokumento o iyong mga tinatawag na qualified.
Noong February 22 ay 119 ang HOTS habang 1,655 ang qualified samantala noong May 2 ay 307 ang HOTS at 1,731 ang qualified. Sa huling mega job fair noong May 9 ay umabot sa 191 ang HOTS at 1,233 ang qualified.
Kabilang sa mga posisyong hinanap ay ang accountant; secretary; sales clerk; welder; waiter/waitress; cook; janitor/janitress; engineer; encoder; bagger; machine operator; service crew; kitchen staff; call center agent; graphic artist; promodizer; automotive mechanic; stockman; factory worker; driver at domestic helper.
- Latest
- Trending
















