Peace dialogue vs CPP-NPA, hiniling ni Mabanta

MANILA, Philippines - Upang mabilis na matamo ang kapayapaan laban sa mahigit 40 taon ng problema sa insureksyon ng bansa, nanawagan kahapon ng peace dialogue ang isang he­neral ng Philippine Army sa grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National (CPP-NPA).

Ayon kay Army’s 3rd Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Jose Mabanta Jr., kailangan ang peace dialogue upang matuldukan na ang giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng NPA rebels, ang armed wing ng National Democratic Front (NDF).

Sinabi ni Mabanta, habang pursigido ang mga opis­yal ng pamahalaan sa pagsusulong ng peace talks sa hanay ng komunistang grupo ay uumpisahan naman ng kanyang command na abutin sa pamamagitan ng diyalogong pang­kapayapaan ang CPP-NPA- na nakabase sa Western Visayas.  

Show comments