MANILA, Philippines - Idinaos kamakailan ang unang Generation Movers Leadership Congress ng Habitat for Humanity Philippines (HFHP) at Habitat Youth Council (HYC).
Kabilang sa naging adyenda ng nasabing kongreso ang Poverty alleviation, disaster risk mitigation, at community development na isinagawa ng mga kalahok na college student.
Sa loob ng dalawang araw na kongreso, ang mga Generation Movers ang nagpalitan ng mga idea, nagplano at naghalal ng una nilang mga opisyal.
Pinagsama ng batang visionary na si Alexandra Eduque ang 38 lider na kabataan at binuo nila ang Generation Movers. Isa itong kilusan ng mga kabataan na sumusuporta sa Habitat for Humanity Philippines at sa mga Programa nito.
Naniniwala si Eduque na ang pagbibigay ng lakas sa kapwa niya mga kabataan ay isang paraan ng pagbabago sa mukha ng lideratong kabataan.
Kabilang sa mga opisyal ng GM sina John Michael Lava; Greg Emmanuel Villahermosa; Ron Jerril Amba; Anna Resente; Ferdinand Fevidal; Mark Cordero; April Valencia; Michael Villorente; at Miguel Mapa.