^

Bansa

Habitat Youth Council nagdaos ng 1ST GM Leadership Congress

-

MANILA, Philippines - Idinaos kamakailan ang unang Generation Movers Leadership Congress ng Habitat for Humanity Philippines (HFHP) at Habitat Youth Council (HYC).

Kabilang sa naging adyenda ng nasabing kongreso ang Poverty alleviation, disaster risk mitigation, at community development na isinagawa ng mga kalahok na college student.

Sa loob ng dalawang araw na kongreso, ang mga Generation Movers ang nagpalitan ng mga idea, nagplano at naghalal ng una nilang mga opisyal.

Pinagsama ng batang visionary na si Alexandra Eduque ang 38 lider na kabataan at binuo nila ang Generation Movers. Isa itong kilusan ng mga kabataan na sumusuporta sa Habitat for Huma­nity Philippines at sa mga Programa nito.

Naniniwala si Eduque na ang pagbibigay ng lakas sa kapwa niya mga kabataan ay isang paraan ng pagbabago sa mukha ng lideratong kabataan.

Kabilang sa mga opis­yal ng GM sina John Michael Lava; Greg Emmanuel Villahermosa; Ron Jerril Amba; Anna Resente; Ferdinand Fevidal; Mark Cordero; April Valencia; Michael Villorente; at Miguel Mapa.

ALEXANDRA EDUQUE

ANNA RESENTE

APRIL VALENCIA

FERDINAND FEVIDAL

GENERATION MOVERS

GENERATION MOVERS LEADERSHIP CONGRESS

GREG EMMANUEL VILLAHERMOSA

HABITAT YOUTH COUNCIL

HUMANITY PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with