MANILA, Philippines - Hinamon ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) si Pangulong Noynoy Aquino na atupagin na ang paglutas sa unemployment ngayong hindi na ito abala sa pagtutok sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Anna Leah Escresa, executive director ng EILER,hindi na dapat magpalusot si Pangulong Aquino sa kabiguan ng pamahalaan na lumikha ng trabaho dahilan para umakyat ng 13.8 milyon ang Pinoy na walang hanapbuhay.
Anya, panahon na para ibasura ng Pangulo ang labor policies ng nagdaang administrasyon partikular na ang contractualization.
Ayon pa kay Escresa, hindi nila minamaliit ang daang matuwid ng pamahalaang Aquino pero dapat magising ang Chief Executive na hindi ito direktang sagot sa isyu ng sikmura ng publiko.