Osmeña-Bangkal service road binuksan na sa trapiko
MANILA, Philippines - Pinangunahan ng pipeline operator na First Philippine Industrial Corp. (FPIC) katuwang ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection ng Makati City ang road cleanup sa Osmeña service road sa Barangay Bangkal, Makati ilang araw bago ang pagbubukas ng klase sa Lunes. Buong araw kahapon ay nilinis ang Osmeña service road at mga sulok nito kasabay ng pagtanggal ng mga basura at mga debris na nakakalat sa lugar.
Ang paglilinis ng FPIC ay bilang suporta sa pro yekto ng lokal na pamahalaan ng Makati at mga public school officials para sa paghahanda ng pagbubukas ng klase, gayundin upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng mga water borne diseases particular ang dengue, na delikado lalu na sa panahon ng tag-ulan.
Mayroong apat na public elementary school at isang high school sa Bangkal.
Ang cleanup ay isa ring paghahanda para sa pagbubukas ng Osmeña service road ngayon, June 1, ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na inaasahang makakatulong sa pagluluwag ng daloy ng trapiko sa lugar partikular sa mga commuters papuntang south ng Metro Manila. Isinarado ang Osmena service road sa trapik nang umpisahan ng FPIC ang pag-repair sa pipeline leak na nakaapekto sa ilang bahagi ng Bangkal at ng West Tower Condominium.
Hiniling kamakailan ng FPIC sa MMDA na buksan na ang kalsada makaraang matapos na ang paggawa sa pipeline sa naturang lugar gayundin natapos na nang FPIC ang paglalagak ng multiphase extraction system (MPE) na gagamitin sa recovery at treatment ng petroleum leakage sa kanilang pipeline.
- Latest
- Trending