SALN ng SC justices ilalantad

MANILA, Philippines - Pinagpasyahan ng Korte Suprema na ilantad sa publiko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Sa special en banc session, inaprubahan ng mga mahistrado na ilabas ang kanilang 2011 SALN kabilang ang sa mga hukom sa buong bansa.

Sa darating na Hunyo 13 naman tatalakayin sa special session ang magiging guidelines sa pagpapalabas ng SALN.

Kaugnay nito, sa regular session ng SC malalaman pa kung makakakuha ng retirement benefits ang napatalsik na si Justice Renato Corona.

Samantala, umalis na bilang tagapagsalita ng SC si Atty. Midas Marquez at sa halip itinalaga ni acting Chief Justice Antonio Carpio si Deputy Spokesman Gleo Guerra bilang acting spokesman.

Ipinaliwanag ni Guerra na ang trabaho ng spokesman ay co-terminus sa Chief Justice.

Mananatili naman bilang Court Administrator si Marquez.

Show comments