Outsider na CJ 'di puwede
MANILA, Philippines - Hindi maaaring mag-appoint ng bagong chief justice si Pangulong Aquino na hindi miyembro ng kasalukuyang justice ng Supreme Court.
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, sa ngayon ay walang Judicial Bar Council (JBC) dahil natanggal sa kaniyang posisyon si convicted Chief Justice Renato Corona na tumatayong chairman ng JBC.
Nangangahulugan aniya na may bakante ngayon sa SC dahil napatalsik si Corona kaya kinakailangang mag-appoint ang Pangulo ng Chief Justice.
Ipinaliwanag pa ni Enrile na walang puwedeng umakto bilang chief justice hangga’t walang itinatalaga ang Pangulo.
Hindi umano pinapayagan sa ilalim ng 1987 Constitution na magkaroon ng isang acting chief justice at kung gagawin ito ng Pangulo ay maari siyang maakusahan ng paglabag sa Saligang Batas.
Napapabalitang isa umano sa napipisil ng Pangulo ng italaga bilang bagong chief justice ay si Associate Justice Antonio Carpio na nakalaban ni Corona sa pagka-Punong Mahistrado.
- Latest
- Trending