Maganto feeding program tuluy-tuloy

MANILA, Philippines - Mahigit 1,000 bata naman ngayon ang nabiyayaan ng Have Faith Volunteers Kid’s Feeding Program sa apat na lugar sa 5th District sa Maynila.

Sa pangunguna ni Faith Maganto, ang founder at tagapangasiwa ng Have Faith Volunteers, una nilang pinuntahan ang Pasig Line, sa 5th District ng Maynila, noong Sabado, kasama ang mga Barangay Chairman na sina Baby Enales at Juanito Flores may 750 bata ang nabiyayaan ng libreng pakain.

Kahapon naman ay pinangunahan ni Maganto ang pamamahagi ng libreng pagkain sa mahigit 700 bata sa Baseco Area 2 at Cristobal sa 5th District, Manila.

Noong nakaraang linggo, mahigit 500 bata rin ang nabiyayaan ng feeding program ng grupo ni Maganto sa Baseco compound, sa Tondo, Manila.

“Tuloy-tuloy na ang gagawin naming pagtulong at pag-agapay sa mga mahihirap nating mga kababayan,” sabi ni Maganto.

Si Maganto na kilalang pilantropo ay anak ng da­ting magiting at sikat na heneral na si Gen. Romeo Maganto.

Tulad ng inaasahan, mainit na tinanggap ang grupo ni Maganto sa lahat ng pinuntahang lugar sa 5th District ng Maynila.

Show comments