^

Bansa

2 pantalan pinababantayan ni Biazon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mahigpit na pinaba

bantayan ngayon ni Bu­reau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang dalawang malala­king pantalan sa bansa bunsod ng intelligence report na illegal na nagpupuslit umano rito ng mga mamahaling sasak­yan mula sa bansang Amerika.

Inatasan na ni Bia­zon ang kanyang mga tauhan partikular na ang Task Force React na pa­munuan ang gaga­ wing pagbabantay sa Manila International Container Port o (MICP) sa North Harbor at Port of Manila (POM), na malapit pa mismo sa tanggapan ng BOC.

Nabatid na posibleng ipuslit dito ang mga magagarang sasakyan na milyon-milyon ang ha­laga gaya ng Ferrari, kasabay din ng pag-alerto sa iba’t ibang pantalan sa mga probinsiya.

Mariin namang sinabi ni Biazon na patuloy ang kanilang sinimulang paglilinis sa nasabing ahensiya kasunod ng pagsasampa ng kaso sa mga illigal na tran­saksiyon at mga brokers na hindi sumusunod sa pinaiiral na batas at posibleng kanilang suspendihin ang kanilang mga permit at lisensiya kung mapapatunayang lumalabag ang mga ito sa batas.

Puspusan din ang ahensiya upang baguhin ang imahe nito, partikular ang pagbuwag sa mga sindikato ng illegal smuggling na pumapalibot sa buong BOC at nagpapalugi sa ekonomiya ng pamahalaan.

Samantala, pipili­tin naman ng BOC na mapataas ang kanilang target collection upang lumaki ang ibinibigay nitong tax collection sa pamahalaan.

Pangalawa ang natu­rang ahensiya sa may pi­nakamalaking tax collection na ibinigay sa pamahalaan.

AMERIKA

BIA

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

MANILA INTERNATIONAL CON

NORTH HARBOR

PORT OF MANILA

SHY

TASK FORCE REACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with