Hindi ako magre-resign - CJ

MANILA, Philippines - Pinanindigan naman ni Chief Justice Renato Corona na hindi siya magre-resign.

Sa halip muling binuhay ni Corona ang hamon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magbitiw ito sa posisyon dahil sa pagpapagamit umano sa Malacañang. Ikinuwento pa ni Corona ang sulat na ipinadala sa kaniya ng tanggapan ni Morales na hinihingan siya ng paliwanag tungkol sa kaniyang dollar accounts.

Ayon kay Corona may nakalagay na “strictly confidential” sa labas ng brown envelope pero ipinagtataka niya kung bakit bago pa man niya nabasa ang laman ng sulat ay nailathala na ang laman nito sa isang pahayagan.

Show comments