Tupas pinaiimbestigahan sa puganteng Koreano
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang isang mambabatas na itinurong nagkanlong umano at nanghimasok na palayain ang isang puganteng Koreano kahit nakakulong na sa Immigration detention cell sa Bicutan, dalawang taon na ang nakararaan.
Sa panayam ni National Press Club director Paul Gutierrez kay Bureau of Immigration (BI) Intelligence Chief Atty. Antonette Bucasas-Mang robang, tinukoy niya si Iloilo 5th District Rep. Niel ‘Junjun’ Tupas, chairman ng House Committee on Justice at lead prosecutor ng Aquino administration sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corna, ang opisyal na nasa likod ng “protective custody” sa puganteng Korean national na naaresto ng BI.
Ayon kay Mangrobang, ang suspek na si Ma Yoon Sik ay naaresto ng NBI at BI intelligence operatives noong 2008 sa Cavite province sa kahilingan ng Korean Embassy.
Fraud at Deceit involving million of dollars ang kaso na kinasasangkutan ni Ma sa kanyang bansa.
Dapat ay ipina-deport na ng BI si Ma noong 2009 ngunit bigla siyang nasampahan ng dalawang kasong kriminal, estafa and illegal recruitment sa Imus, Cavite Regional Trial Court.
Ang illegal recruitment case ay na-archived ngunit ang estafa case sa Branch 21 ng nasabing korte ay dinidinig pa.
Sa ilalim ng Philippine law, ang mga dayuhang nahaharap sa kasong kriminal ay dapat munang litisin sa korte bago maisasakatuparan ang deportasyon. Pansamantala, ang mga dayuhan ay dapat na ipiit sa BI’s detention facility sa Bicutan.
Sa kaso ni Ma, kinumpirma ni Mangrobang na noong Pebrero 2010, nakatanggap si dating BI Comm. Marcelino Libanan, ng “letter” mula kay Rep. Tupas, hinihiling na palayain si Ma “under recognizance” ng nasabing mambabatas.
Si Ma ay itinuring ng BI intelligence operatives bilang “big-time” Korean fugitive.
Bunsod ng panghihimasok ni Tupas, hindi nakulong si Ma sa BI Bicutan detention cell.
Hindi naman masabi ni Mangrobang kung ano ang argumentong ginamit ni Tupas sa pagpabor sa puganteng Koreano.
- Latest
- Trending