^

Bansa

P25M pekeng sapatos, tsinelas kuha sa raid

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mahigit sa P25-milyong halaga ng mga pekeng sapatos at tsinelas ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang pagsalakay kahapon sa isang bodega sa Pasay City.

Natuklasan ang naturang mga pekeng sapatos at tsinelas na naka-imbak sa isang bodega sa 56 Russel St., Baclaran Pasay matapos makatanggap ng impormasyon ang Intelligence Group ng BOC kaugnay sa hindi pagbabayad ng kaukulang buwis ang may-ari ng bulto-bultong pekeng sapatos at tsinelas.

Agad naglabas ng Letter of Authority (LOA) si BOC Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang mga itatalagang tauhan na magsagawa ng inspeksiyon na nakabatay sa Tarrif and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Inatasan ni Biazon si Deputy Commissioner Danny Lim na bumuo ng grupo mula sa Intelligence Group na mag-iinspeksiyon at sila ring magsisilbi ng Mission Order upang masuri kung may mga kaukulang kabayaran sa buwis ang nakaimbak na bulto-bultong sapatos at tsinelas.

Nang dalhin ni Gen. Lim ang LOA sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng Pasay City Police natuklasan na pawang mga pekeng sapatos na may tatak na Adidas, Sport, Moda, Nike, Crocs, Vans, Converse, Havaianas at iba pa ang nasa loob ng naturang bodega na hinihinalang nagmula sa bansang China.

Kaagad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC upang makumpiska ang mga pekeng sapatos at tsinelas makaraang hindi makapagpakita ng ebidensiya na nagbayad ng duties at taxes ang may-ari.

vuukle comment

BACLARAN PASAY

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPUTY COMMISSIONER DANNY LIM

INTELLIGENCE GROUP

LETTER OF AUTHORITY

MISSION ORDER

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with