^

Bansa

Corona haharap na sa Martes

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Ihaharap na ng depensa si impeached Chief Justice Renato Corona sa Martes, Mayo 22.

Pinagbigyan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang apela ni Atty. Judd Roy, abogado ng depensa, na sa halip sa Lunes ay ihaharap nila si Corona sa Martes dahil masyadong maraming dokumento ang kailangan nilang i-review lalo na yong mga iniharap ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales tungkol sa sinasabing dollar accounts ng chief justice.

Nais ng depensa na busisiin ang report ng Anti-Money Laundering Council kung saan nakuha ng Ombudsman ang sinasabing 82 dollar accounts ni Corona na nakapaloob sa nasa 400 transaksiyon.

Hiniling din ni Roy ang soft copy ng Power Point Presentation ng AMLC report na iniharap ni Morales sa impeachment court.

Pinagbigyan ni Enrile ang depensa sa kanilang kahilingan tungkol sa paghaharap kay Corona upang hindi umano maakusahan ang impeachment court na bias ito sa chief justice.

Pero pinatiyak ni Enrile na hindi na muling ipagpapaliban ang pagharap ni Corona.

Dahil si Corona na ang huling testigong ihaharap ng depensa, hindi magkakaroon ng impeachment trial ngayong Huwebes at sa Lunes.

Una ng sinigurado ni Enrile na igagalang at hindi makakaranas ng pambabastos si Corona sa sandaling humarap ito sa impeachment court.

Samantala, sinabi ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada na tanging si Corona na lamang ang maaaring makapagsalba sa kaniyang sarili.

Ayon kay Estrada, mas­yadong “damaging” ang testimonya ni Ombudsman Morales kung saan ibinigay nito ang detalye ng mga dollar accounts ni Corona sa iba’t ibang bangko na nakuha naman sa Anti-Money Laundering Council (AMLA).

Sinabi rin ni Estrada na posibleng nagkaroon ng multiple entries sa 82 account numbers ni Corona kaya dumami ang bilang ng account nito.

Ipinaliwanag ni Estrada na ang isang time deposit, sa sandaling dumating na ang maturity nito at ini-roll, iba na ang magiging account number ng deposito.

Siniguro naman ni House Deputy speaker Erin Tanada na magiging magalang ang prosekus­yon sa pagtatanong o sa cross examination kay Corona sa pagharap nito sa impeachment court.

Tiniyak ni House De­puty speaker Erin Taña­da na ipantatapat ng pro­sekus­yon kay Corona ang isang mahinahon at mahaba ang pasensyang prosecutor bagama’t hindi nito binanggit kung sino sa mga miyembro ng 11-man prosecution team ang tatayo upang magtanong sa punong mahistrado.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

ENRILE

ERIN TA

ERIN TANADA

HOUSE DE

HOUSE DEPUTY

JUDD ROY

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with