^

Bansa

Tamang koleksiyon ng buwis target ng BOC

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Target ng Bureau of Customs (BOC) na mapataas ang kanilang koleksiyon bunsod na rin ng pa­ngit na imahe na ibinabato sa ahensiya kaugnay ng umano’y katiwalian.

Tiniyak din ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na kanyang pupuksain ang talamak na korapsiyon sa kanyang pamamalakad sa pa­ngunguna ng bagong tatag na “Task Force React” at isulong ang “matuwid na landas” na adhikain ni Pangulong Aquino.

Napag-alaman na sa pag-upo ng batang Bia­zon, madami na kaagad itong nagawa sa naturang ahensiya partikular na ang mga nakumpiskang kargamento na walang mga kaukulang dokumento na pinaghihinalaang smuggled na siyang ugat ng korapsiyon sa loob ng BOC kung saan bilyun-bilyong piso ay napupunta lamang sa kamay ng mga sindikato.

Itinalaga ang dating Congressman ng Muntinlupa ni Pangulong Aquino dahil na rin sa magandang record nito sa naturang lungsod kung kaya’t ma­laki ang tiwala ni PNoy sa kanyang magandang adhikain upang matuldukan na ang talamak na katiwalian sa Customs.

Kamakailan ay sunud-sunod ang “Demolition Job” sa naturang pinuno na posibleng ginagamit ng ilang mga sindikato na nasasagasaan ni Biazon upang siya ay mapatalsik sa kanyang puwesto.

Suportado din ang naturang pinuno ng ilang mambabatas hinggil sa ginagawang reporma nga­yon sa BOC kasabay ng pagbabantay maging sa mga empleyado nito hinggil sa katiwalian upang matigil na ang pangit na imahe ng naturang ahensiya.

BIA

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEMOLITION JOB

ITINALAGA

KAMAKAILAN

MUNTINLUPA

PANGULONG AQUINO

TASK FORCE REACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with