MANILA, Philippines - Ipinaalala kahapon ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi na batas ang “Vagrancy Law”.
Ayon kay Estrada, nalusaw na ang nasabing anti-poor na batas ng lagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10158. Hindi na rin anya napapanahon ang Vagrancy Law kung saan ang nakakasuhan lamang ay mga mahihirap.
Dagdag niya, ‘historically’ ang vagrancy laws ay ipinasa upang i-discourage ang katamaran ng mga mamamayan. Matagal na umanong kinukuwestiyon ng mga human rights organizations ang nasabing batas lalo pa’t matagal ng ibinasura sa ibang bansa ang vagrancy laws.
Sabi pa ni Estrada, hindi na dapat ituring na kasalanan ang pakikisalamuha sa mga prostiutes o kaya ay paggala sa mga pampublikong lugar lalo ng isang mahirap.