^

Bansa

Malakas na ekonomiya panlaban vs China

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa halip na maki­pag-away sa bansang China kung saan wala naman umanong tsansang manalo ang Pilipinas pag dating sa pakikipag-giyera dito dahil sa usapin sa Scarborough Shoal.

Ang reaksyon ni Eas­tern Samar Rep. Ben Evardone, ay bunsod sa panibagong pagbabanta ng China sa isang pahayagan sa kanilang bansa na handa silang rumesponde sa anumang maaring mangyari sa stand-off sa pagitan ng Pilipinas sa Scarborough Shoal maituturing na pinakamatapang na pahayag na ng nasabing bansa tungkol sa nasa­bing isyu.

Naniniwala si Evardone na kaya binu-bully ng China ang Pilipinas ay dahil sa kanilang pana­naw na mahirap ang ating bansa at mayroon lamang maliit na kakayahan pagdating sa pakikidigma at pang-ekonomiya.

Dahil mistula lamang umanong “tirador” laban sa militar ng China kaya’t dapat na mas palakasin ng Pilipinas ang ekonomiya at suportahan ang mga proyektong tulad ng Entertainment City Project ng Philippine Gaming Corporation o Pagcor na maaaring magbigay sa atin ng economic at military power.

Sa isinusulong uma­no na $5 bilyon Entertainment City ng Pagcor ay magdadala ito ng isang milyong trabaho para sa mga manggagawa, pagtaas ng kita ng gobyerno ng mahigit sa 14 na beses gayundin ang pagdagsa ng mga turista kada taon na magdadala rin ng potential income sa bansa.

BEN EVARDONE

DAHIL

ENTERTAINMENT CITY

ENTERTAINMENT CITY PROJECT

EVARDONE

PAGCOR

PHILIPPINE GAMING CORPORATION

PILIPINAS

SAMAR REP

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with