PNoy, Grace 'di na nagdi-date

MANILA, Philippines - Tikom ang bibig ng Palasyo sa napabalitang hiwalay na umano sina Pangulong Aquino at TV personality na si Grace Lee.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi sila nakikialam sa pribadong buhay ni Pangulong Aquino.

“No comment. I don’t know what’s going on,” wika pa ni Lacierda kaugnay sa napabalitang hiwalayang PNoy at Grace Lee.

Kumalat ang balitang hindi na umano nagdi-date at nagkikita sina Pangulong Aquino at Lee dahil may iba na umanong napupusuan ang binatang chief executive.

Show comments