^

Bansa

Libreng tule iikot sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residenteng kabataang lalaki na sumali sa gaganaping “Libreng Tule” na iikot sa mga barangay na nasasakupan ng lungsod.

Ayon kay Echiverri, nagsimulang umikot ang mga tauhan ng city health department noong May 4 at May 5 kung saan ay nagsagawa ng libreng tule.

Sunod na pupuntahan ng grupo sa Biyernes (May 11) ang Bagong Barrio Central; Tala, Bgy. 186; Bgy. 178 A and B at Bgy. 14 habang sa May 18 ay magtutungo ang mga ito sa Baesa; Llano; Amparo at Bgy. 18.

Sa May 25 ay dadayo ang apat na team sa Sta. Quiteria; Camarin, Bgy. 174; Pangarap at Ana habang sa June 1 ay magtutule naman ang apat na team sa Talipapa; Camarin, Bgy. 175; Malaria at Marulas.

Kinakailangan lamang magpalista ang mga residenteng kabataang lalaki na gustong makapagpatule ng libre sa kanilang mga barangay habang ang hindi naman makapagpapatala ay kinakailangang pumila para sa libreng tule na gaganapin sa kanilang lugar.

Ang pag-ikot ng libreng tule ay dahil na rin sa kahi­lingan ng mga magulang ng mga residenteng kabataang lalaki na magtungo sa bawat barangay upang maipatule ang kanilang mga anak nang hindi na kinakailangan pang gumastos.

A AND B

AYON

BAESA

BAGONG BARRIO CENTRAL

BGY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

LIBRENG TULE

SA MAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with