^

Bansa

Dahil kay Zubiri, Sen. Koko lalayas sa UNA?

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Personal na desisyon umano ni Sen. Koko Pimentel III kung sakaling umalis ito ng United Nationalist Alliance (UNA) at lumipat sa Liberal Party (LP) upang doon sumama sa senatorial slate nito para sa 2013.

Ayon kay Senate Presi­dent Juan Ponce Enrile, walang magiging pagba­bago sa plano ng UNA at itutuloy ang line-up nito kahit ‘sinusungkit’ ng LP ang kanilang mga miyembro para gawing senatorial candidate nila sa 2013.

Na kay Koko yan, personal na decision niya yan. Siya ang presidente ng PDP-Laban, hindi ako pwedeng magpasiya ‘dun,” wika pa ni Enrile.

Ipinahiwatig ng LP spokesman na si Quezon Rep. Lorenzo Tanada III na posibleng makuha nila si Sen. Pimentel upang ma­kasama sa kanilang senatorial line-up sa 2013.

Magugunita na iniha­yag ni Pimentel na hindi siya masaya na ma­kasama si dating Sen. Miguel Zubiri sa senatorial line-up ng UNA.

Winika pa ni Enrile, magpapatuloy ang koalisyon ng UNA sa pagsasama ng partido ni dating Pangulong Erap Estrada na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at PDP-Laban ni Vice-President Jejomar Binay.

vuukle comment

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

KOKO PIMENTEL

LABAN

LIBERAL PARTY

LORENZO TANADA

MASANG PILIPINO

MIGUEL ZUBIRI

PANGULONG ERAP ESTRADA

QUEZON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with