^

Bansa

Wage hike muling iginiit

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Muling iginiit ni Alab ng Mamamahayag (Alam) Chairman Jerry Yap ang pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa dahil nagtaasan na rin ang mga bilihin bukod pa sa tumaas din ang tuition fees sa eskwelahan.

Ani Yap, kahit ang mga State Universities and Colleges (SUCs) ay nagtaas din ng singil, kaya kung hindi tataas ang sahod ng mga manggagawa ay maraming estudyante ang mahihinto sa pag-aaral.

Maraming pamilya rin umano ang magugutom dahil kung tutuusin ay sobra-sobra na ang paghihigpit ng sinturon ng masa para mapagkasya lamang ang kakarampot nilang kinikita.

Aniya, kahit ang mga miyembro ng media ay nahihirapan na rin sa sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pagbabayad ng tuition fees ng kanilang mga anak.

Binigyang diin pa ni Yap na  hindi naniniwala ang NPC at ALAM na maaaring matanggal sa trabaho ang ilang manggagawa sakaling pagbigyan ang P125 legislated wage increase dahil sobra-sobra pa nga ang kinikita ng malalaking kumpanya at sa katunayan anya nakabilang pa sa listahan ng Fortune Magazine bilang pinakamayayaman sa buong mundo ang ilang negosyante sa bansa.

ALAB

ALAM

ANI YAP

ANIYA

BINIGYANG

CHAIRMAN JERRY YAP

FORTUNE MAGAZINE

MAMAMAHAYAG

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with