^

Bansa

Panuntunan vs bully sa estudyante, abusadong guro inilabas ng DepEd

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng panuntunan laban sa mga gurong abusado at pambu-bully sa mga estudyante sa mga paaralan.

Layon ng “Policies and Guidelines on Protecting Children in School from Abuse, Violence, Exploitation, Discrimination, Bullying and Other Forms of Abuse” na bigyang proteksyon ang bawat mag-aaral sa lahat ng uri ng pang-aabuso buhat sa mga kapwa estudyante, sa mga guro at iba pang opisyales ng paaralan. Kabilang rito ang pag-abuso sa pana­nalita, pisikal at emosyonal.

Kabilang ngayon sa ipagbabawal ang pagbibigay ng “corporal punishment” o ang anumang parusa na ibinibigay ng sinumang may otoridad sa isang bata na nagkagawa ng kasalanan sa paaralan at ang pambu-bully o ang pang-aabuso ng kapwa mag-aaral sa kasamahan na mas mahina sa kanya.

Sa paglaban sa pambu-bully, nakasaad na lahat ng insidente ay dapat iulat sa pinuno ng paaralan, pagpapaalam sa mga magulang ng mga batang sangkot at pakikipagpulong, pagsasailalim sa mga bata sa guidance counseling, at pagbibigay ng “non-punitive o punitive measures” depende sa sitwasyon.

Sa paglaban naman sa child abuse, eksploitasyon, karahasan at diskriminasyon, nakasaad dito na magtatag ng maayos na sistema ng pag-uulat at imbestigasyon sa guro o empleyadong sangkot, pagsasampa ng kasong kriminal, sibil at administratibo sa mga mapapatunayang nagkasala sa im­bestigasyon, habang itatago ang pagkakakilanlan ng mga sangkot na guro at mag-aaral para sa kanilang personal na proteksyon.

AARAL

BULLYING AND OTHER FORMS OF ABUSE

DEPARTMENT OF EDUCATION

KABILANG

LAYON

NAGLABAS

PAARALAN

POLICIES AND GUIDELINES

PROTECTING CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with