Tahong sa 5 probinsiya bawal kainin
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na huwag munang kakain ng shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa limang lalawigan sa bansa dahil sa mataas pa rin ang lason ng red tide sa mga baybayin doon.
Sa latest bulletin ng BFAR, mataas pa rin sa lason ng red tide ang Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboaga del Norte, Misamis Occidental gayundin sa Bataan Coastal waters na sakop ng mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal kasama din ang Matarinao Vay sa Eastern Samar.
Gayunman, maaari pa ring kainin ang ibang lamang dagat tulad ng pusit, alimango at isda pero kailangang linising mabuti at alisin ang bituka bago lutuin.
Hiniling din ng BFAR sa mga local na pamahalaang nabanggit na round the clock na bantayan ang kanilang mga palengke para maiwasang makarating doon ang mga shellfish na may red tide para maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan doon.
- Latest
- Trending





















