MANILA, Philippines – Nagbanta ang hog at poultry raisers sa bansa na magsasagawa sila ng 5-day holiday sa pagbebenta ng pork at chicken para ipabatid kay Pangulong Aquino ang panawagan nila upang wakasan ang meat smuggling sa bansa na lumulumpo sa livelihood ng milyon-milyong workers sa agrikulutura.
Ayon kay Rosendo So, convenor ng Swine Development Council, bukod sa nawawalang kita sa mga farmers sa hog and poultry sector ay aabot sa P60 bilyong kita ang nawawala din sa kaban ng gobyerno dahil sa meat smuggling.
Hinamon naman ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones ang Bureau of Customs na maging makatotohanan sa paglansag ng meat smugglers sa BOC.