^

Bansa

Zubiri, Isko nanumpa na sa partido ni Erap

-

MANILA, Philippines – Pormal nang nanumpa kahapon sa partido ni dating Pangulong Joseph Estrada na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) si dating Senator Juan Mi­guel Zubiri bilang paghahanda sa 2013 senatorial election.

Kasabay na nanumpa ni Zubiri si dating Solicitor General Frank Chavez at Manila Vice Mayor Isko Moreno sa Club Filipino sa San Juan.

Mismong si Senate President Juan Ponce Enrile, chairperson ng PMP, ang nanguna sa pa­nunumpa ni Zubiri at mga bagong miyembro ng PMP.

Nakatakda namang ianunsiyo ni Erap sa Mayo 12 kung tatakbo siya o hindi sa pagka-alkalde ng Maynila sa halalan sa susunod na taon.

“Sa May 12… Siyam na tulog na lang, malalaman niyo na kung tatakbo ako o si Isko ang mayor ninyo,” ayon pa kay Estrada sa kaniyang talumpati.

Sakaling magde­sis­yon siyang tumakbo ay may posibilidad na ma­ ging running mate niya si Moreno. (Malou Escudero/Rudy Andal/Gemma Garcia/Mer Layson)

CLUB FILIPINO

GEMMA GARCIA

MALOU E

MASANG PILIPINO

MER LAYSON

PANGULONG JO

RUDY ANDAL

SA MAY

SAN JUAN

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with