^

Bansa

Mga isda sa Scarborough nilalason

- Joy Cantos, Rudy Andal -

MANILA, Philippines – Sinasabotahe umano ng mga mangingisdang Tsino ang mga coral reefs, nilalason ang mga isda at iba pang yamang dagat sa Scarborough Shoal.

Ito ang ibinulgar ni da­ting Defense Secretary at ngayo’y Zambales Gov. Her­mogenes Ebdane sa pakikipag-ugnayan nito sa Defense Press Corps.

Ayon kay Ebdane, gu­magamit umano ng sodium cyanide sa kanilang illegal na pangingisda ang mga Tsino na nagsasagawa ng intrusyon sa Scarborough Shoal na tinagurian ng mga Zambaleno na ‘Bajo de Masinloc”.

Iginiit nito na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc simula pa noong panahon ng Kas­tila at nasa lumang mapa ito ng bansa na dapat ilabas at patunayan ng National Historical Ins­titute.

Sinabi ng opisyal na ang mga mangingisdang Pinoy ay mga lambat la­mang ang gamit sa pa­ngingisda, iginagalang ang likas na yamang dagat pero ang mga Chinese ay walang pakundangan itong nilalapastangan.

Ang Scarborough Shoal ayon sa opisyal ay mayaman sa high class na mga isda tulad ng lapu-lapu, talakitok, bukod pa sa mga taklobo, corals, sharksfin, shells at iba pa.

Maging mga endangered species na ipinagbabawal hulihin ay kinukuha rin ng mga Intsik.

Sa kabila nito, wala naman plano ang Pilipinas na itaboy o hulihin ang mga Chinese vessels.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hayaan lang muna ang mga nasabing Chinese vessels na ma­ngisda sa ating karagatan.

Iniiwasan kasi nilang lumala ang tensyon sa pa­gitan ng Pilipinas at China.

Ido-dokumentaryo na lang daw ng mga awtoridad ang ginagawa ng mga Chinese vessels para magamit na ebidensya kapag nagkaroon ng pagdinig sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS).

ANG SCARBOROUGH SHOAL

BAJO

DEFENSE PRESS CORPS

DEFENSE SECRETARY

EBDANE

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with