'Wag umasa sa US sa Scarborough - Miriam
MANILA, Philippines - Hindi dapat umasa ng sobra-sobra ang Pilipinas sa gagawing “2 plus 2 talks” sa pagitan ng Phl at US bagkus ay dapat maging agresibo ang gobyerno sa pagkumbinsi sa ASEAN upang magkaroon ng common stand sa nangyayaring stand off sa Scarborough (Panatag) Shoal.
Sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, ipinapakita ng China sa ginagawa nito sa Panatag Shoal ang kanilang lakas hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang ASEAN countries na may planong magsagawa ng exploitation ng natural resources sa West Philippine Sea.
Aniya, ang maliit na bansa tulad natin ay walang kakayahan upang mabilis na makapagsagawa ng exploitation ng natural resources tulad ng China.
Ipinakita din ng China ang paggiit ng pag-angkin sa Panatag Shoal dahil lamang sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mangingisda sa isla.
Wika pa ng mambabatas, huwag umasa ng sobra-sobra sa nakatakdang pakikipag-usap nina DND Sec. Voltaire Gazmin at DFA Sec. Albert del Rosario kina US Secretary of State Hilary Clinton at US Defense chief Leon Panetta.
Bukod sa Pilipinas at China ay umaangkin din sa pinagtatalunang Spratly island ang Taiwan, Vietnam, Malaysia at Brunei.
- Latest
- Trending