^

Bansa

Developer umapela sa SC

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang real estate developer sa Korte Suprema na ikonsidera nito ang 2009 desisyon kung saan ay sinabi nitong ‘iregular’ na pinagbabayad ang kanilang kumpanya ng P60 milyon sa isang dayuhan na nag­hain ng labor case sa kabila ng kawalan ng alien employment permit at working visa nito upang magtrabaho sa bansa.

Sa motion for reconsideration ni Eulalio Ganzon ng E. Ganzon Inc. (EGI) sa SC, hini­ling nito na baligtarin ang desisyon ng High Tribunal nitong Enero 25, 2012 kung saan ay ibinasura ang kanilang motion for reconsideration para sa 2009 decision ng SC 3rd division na isinulat ni Associate Justice Consuelo Ynares-Santiago.

Kinatigan ng SC ang desisyon ng labor arbiter na pinababayaran ng P60 milyon ang Australian na si James McBurnie.

Maging ang isang kumpanya ni Ganzon na EGI-Managers ay i­nireklamo din ni McBurnie na isinampa ang kaso in absentia at 3 taon na ang nakakaraan matapos ang kanyang employment bukod sa hindi nito sinipot ang 14 hearing sa labor arbiter.

Umapela din si Ganzon sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Teodoro Jumamil na ikunsidera ang naunang desisyon ng Court of Appeals noong Oct. 2008 at ang ruling ng National Labor Relation Commission (NLRC) noong Nov. 17, 2009 kung saan natuklasan na hindi empleyado ang dayuhan kundi business partner ng EGI executive.

ASSOCIATE JUSTICE CONSUELO YNARES-SANTIAGO

COURT OF APPEALS

ENERO

EULALIO GANZON

GANZON

GANZON INC

HIGH TRIBUNAL

KORTE SUPREMA

NATIONAL LABOR RELATION COMMISSION

TEODORO JUMAMIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with