^

Bansa

Lakas susuporta sa UNA

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Susuportahan umano ng partido ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na Lakas-Kampi ang mga kandidato ng United Nationalists Alliance (UNA) na koalisyon nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay House Majority leader Danilo Suarez, ang pagtulong sa kandidatura ng mga mamanukin ng UNA sa eleksyon ay magiging goodwill gesture ng Lakas dahil sa pagsama sa senatorial slate ng ilang oposisyon.

Kabilang na rito si Zambales Rep. Mitos Magsaysay at dating Senador Migz Zubiri.

Nilinaw naman ni Suarez na wala namang negosasyon para sa pormal na pakikipag-alyansa ng Lakas sa UNA at hindi na umano kailangan ito para magkatulungan ang dalawang panig sa halalan.

Ipinagmamalaki naman ni Suarez na kaya pa ng Lakas na magdeliver ng hanggang P2 milyong boto sa susuportahan nilang kandidato.

Hindi rin umano dapat balewalain ang Lakas dahil sila pa rin ang ikalawa sa may pinakamaraming elected officials sa lokal na lebel sunod sa Liberal Party (LP) ni Pa­ngulong Aquino.

vuukle comment

DANILO SUAREZ

GLORIA ARROYO

HOUSE MAJORITY

LAKAS

LIBERAL PARTY

MITOS MAGSAYSAY

PAMPANGA REP

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENADOR MIGZ ZUBIRI

SUAREZ

UNITED NATIONALISTS ALLIANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with