MANILA, Philippines - Patok sa mga residente, turista at iba pang bisita ang tatlong araw na Zambales Mango Festival na ginanap nitong April 20 hanggang 22, Ayon kay Gob. Hermogenes Ebdane Jr., mas malaki at mas masaya ang pagdiriwang ngayong taon at mas marami ang mga nagsipagdalo, nakipag-tagisan ng galing, at nagsipagnood na galing pa rin sa mga malalayong lugar. Sinabi ng Gobernador, sa taong ito ginanap ang kauna-unahang Float Competition na sinalihan ng 12 entry. Ang first prize na P70,000 ay nakuha ng LGU Palauig; pangalawa ang San Marcelino at pangatlo ang Nature’s Replica ng Masinloc, na nagsipagwagi ng P50,000 at P30,000. May consolation prize na P20,000 ang lahat ng sumali. Sa street dancing, grand slammer and Masinloc Street Dancers na nataguriang champion at ginawaran ng P120,000. Sila rin ang tinanghal na Best in Best Costume, Best Street Dancing During the Parade, at Hall of Famer dahil sa pagkapanalo nila ng tatlong sunod na taon. Ang iba pang nanalo ay: SK-PYAP Street Dancers ng Botolan, 1st runner-up prize na P80,000; at Ibayli Street Dancers ng Iba, 2nd runner-up na P50,000. Ang iba pang siyam na contestant ay tumanggap ng P30,000 as consolation prize. Para naman sa best exhibit food, nakuha ng San Narciso’s ang top award na P70,000; Iba ang pangalawa na tumanggap ng P50,000; at San Marcelino, 3rd at binigyan ng P30,000. Consolation prize na P20,000 ay binigay sa iba pang kalahok.