Fare discount sa barangay, health workers
MANILA, Philippines - Mabibigyan na rin ng diskwento sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ang mga barangay officials at health workers tulad ng sa mga estudyante.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House bill no. 5903 na inihain ni Manila 4th district Rep. Ma. Theresa Bonoan-David na naglalayong magkaroon ng benepisyo ang mga kasalukuyang nakaupong barangay chairman, kagawads,councilmen, barangay secretary, treasurer at Sk chairman gayundin ang mga health workers.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng opisyal ng barangay sa panahon ng kanilang panunungkulan at barangay health workers ay bibigyan ng 20% diskuwento sa pamasahe.
“Walang karagdagang gastusin dito ang gobyerno. Nais lamang nating iparamdam sa mga barangay officials at health workers na ang kanilang pang-araw-araw na gawain ay dapat kilalanin,” ayon kay Bonoan-David.
Sa ilalim ng panukala, ang Department of Transportation and Communication (DOTC) sa pakikipag-ugnayan sa DILG, ang siyang mangangasiwa sa kakailanganing mga alituntunin ng regulasyon.
- Latest
- Trending