^

Bansa

3 independent oil players, nag-rollback

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpatupad na din ng bawas sa presyo ng petrolyo ang tatlong independent oil players sa bansa makaraang magtapyas sa halaga ng kanilang mga produkto kasunod ng ginawang rollback ng Pilipinas Shell at Petron Corporation.

Dakong alas-6 ng umaga nang magtapyas ang Flying V ng P0.50 sa kada litro ng diesel, regular gasoline at kerosene habang P0.60 kada litro naman ang ibinaba sa presyo ng premium at unleaded gasoline.

Nasa P0.65 kada litro sa presyo ng premium at unleaded gasoline naman ang ini-rollback ng Seaoil at P0.50 kada litro sa regular gasoline.  May P0.40 kada litrong rolbak din ito sa presyo ng diesel at P0.25 sa kerosene.

Nagtapyas din ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.65 kada litro sa presyo ng gasolina at P0.40 naman sa diesel.

Ang naturang rollback ay kasunod ng naunang pahayag ng Department of Energy na magaganap na pagbaba ng presyo ng petrolyo sa lokal na merkado dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng contract price nito sa internasyunal na merkado dulot ng pagbaba ng tensyon sa Gitnang Silangan at Iran.

DAKONG

DEPARTMENT OF ENERGY

FLYING V

GITNANG SILANGAN

KADA

NAGPATUPAD

NAGTAPYAS

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM PHILIPPINES

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with