Shell, Petron nag-rolbak

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang dalawang kumpanya ng langis kahapon.

Sinimulang magpatupad ng rolbak ang Petron dakong alas-12:01 ng hatinggabi na sinundan naman ng Shell bandang ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

Nagbawas ng P.65 kada litro para sa unleaded gasoline, P0.50 kada litro sa regular gasoline, P0.40 naman sa diesel at P0.25 sa kerosene.

Ang rolbak ay bunsod umano sa pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Show comments