Presyo ng sardinas balik normal

MANILA, Philippines - Balik na sa normal ang presyo ng sardinas sa susunod na buwan ng Mayo.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Re­sources (BFAR) director Asis Perez, inaasahan na nila ang pagbalik sa dati ng halaga ng sardinas dahil ngayong Abril ay mahahango ang isdang tamban na tamang-tama ang laki para sa produksiyon ng sardinas.

Anya, nagkaroon lamang ng pagtaas sa presyo ng sardinas sa ngayon dahil hindi pa bumabalik sa normal ang paghahango ng tamban sa kabila ng lifting ng ban dito. Ang mapo-produce na murang sardinas ay isang buwan bago maikalat ng husto sa merkado at mabili ng publiko.

Sinabi pa ni Perez na ang mahal pang sardinas ngayon sa merkado ay na-produce mula sa dati pang stock o kaya naman ay inangkat na tamban na ma­taas na ang presyo.

Show comments