^

Bansa

K+12 haharangin ng teachers

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Haharangin ng isang grupo ng mga pampublikong guro sa Metro Manila ang ipatutupad na K+12 Program ng De­partment of Education (DepEd) dahil hanggang ngayon ay hindi pa umano sila isinasailalim sa pagsasanay ng kagawaran para sa bagong curriculum.

Sinabi ni Manila Public School Teachers Association (MPSTA) pre­sident Benjie Valbuena na tila nagmamadali ang DepEd at si Secretary Armin Luistro na ipatupad ang dagdag na da­lawang taon sa 10 taong basic education gayung lumabas umano sa ilang pag-aaral na walang ki­nalaman ang taon ng basic education sa kali­dad ng edukasyon at mas makatutulong pa rin ang sapat na pondo.

Sa kabila ng pagtiyak ni Luistro na may sapat na pondo ang programa, hindi dito naniniwala si Valbuena dahil hindi pa naman umano ito naisabatas kaya nangangahulugan na wala itong pondo.

Binanggit rin nito ang kawalan ng “clear-cut policy” ng DepEd kaugnay ng programa dahil may mga pribadong paaralan na hindi naman magpapatupad nito, pero obligado ang lahat ng public schools na sumunod.

Inaasahan umano nila sa darating na pasukan na lalo pang hihirap ang daranasin ng mga guro sa ipinipilit na bagong kurikulum at inaasahang paglobo ng populasyon ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan dahil sa darami muli ang magta-transfer bunsod ng pagtataas sa matrikular sa mga pribadong paaralan.

vuukle comment

BENJIE VALBUENA

BINANGGIT

HAHARANGIN

INAASAHAN

LUISTRO

MANILA PUBLIC SCHOOL TEACHERS ASSOCIATION

METRO MANILA

SECRETARY ARMIN LUISTRO

SINABI

VALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with