MANILA, Philippines - Binalaan ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga Pinoy at mga dayuhan na nagpupunta sa mga beaches na huwag na magdala ng plastic bag at huwag magkalat sa karagatan kung ayaw magmulta at maparusahan ng batas.
Ayon kay BFAR director Asis Perez, dahil sa magaan lamang ang plastic bag o supot madali itong tinatangay ng alon hanggang sa gitna ng karagatan.
Dahil transparent at mistulang jelly fish ang supot kapag nakalutang sa karagatan kinakain ito ng mga pawikan na nagiging sanhi naman ng kamatayan ng mga ito.
Anya, ito rin ang sanhi ng pagkamatay ng Butanding noong 1999 na namatay sa may Manila Bay makaraang makakain ng plastic.