Split-up nina PNoy, Lee itinanggi ng Palasyo
MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na nag-break na sina Pangulong Benigno Aquino III at ang sinasabing rumored presidential girlfriend at GMA 7 celebrity anchor Grace Lee.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Palasyo, walang katotohanan na naghiwalay na ng landas sina Pangulong Aquino at Filipina-Korean tv personality na si Grace Lee.
Sinabi pa ng source, nito lamang Sabado ay nag-dinner date ulit sina Pangulo at Grace Lee sa Shangri La Makati saka nanood ng sine sa Greenbelt 5 Makati City.
Iginiit ng source, walang katotohanan na naghiwalay na sina PNoy at Grace Lee dahil nitong Sabado lamang ay nag-date ulit sila at masayang magkasama na kumain at nanood ng sine.
Napaulat na ‘split’ na umano ang binatang Pangulo at ang Fil-Korean tv anchor na si Lee pero mariing itinanggi ito ng Malacañang.
- Latest
- Trending