^

Bansa

No Gun Zone sa ARMM

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipapatupad ni Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman ang “No Gun Zone” o pagbabawal na magpasok ng armas sa kapitolyo ng ARMM.

Ayon kay Gov. Hataman, layunin nitong maging firearms-free ang provincial capitol upang maiwasan ang anumang karahasan.

Ito ang pahayag ni Hataman ng kanyang accomplishment report para sa kanyang 100 days bilang governor ng ARMM na dinaluhan ng matataas na opisyal ng mga lalawigan na kanyang nasasakupan. Kabilang sa mga lalawigan na sakop ng ARMM ang Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Sa ilalim ng bagong patakaran ng ARMM, simula kahapon ay ipapadeposito muna sa mga tauhan ng pulisya ang lahat ng armas ng mga sibilyan o opisyal na papasok sa kapitolyo.

Layunin umano nitong tuluyang walisin ang militarisasyon na nagiging dahilan ng mga posibleng banggaan ng puwersa ng mga private armies at matugunan na rin ang problema ng loose firearms.  

AUTONOMOUS REGION

AYON

BASILAN

HATAMAN

IPAPATUPAD

KABILANG

MUJIV HATAMAN

MUSLIM MIN

NO GUN ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with