MANILA, Philippines - Magsisimula na ngayon (Abril 16) ang isasagawang “war games” ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.
Nasa 6,800 na sundalo ng AFP at US forces ang lalahok sa 2-linggong Balikatan exercises.
Naniniwala naman ang Malacañang na ang “war games” ay hindi magpapainit sa China sa usapin ukol sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang Balikatan joint military exercises ay matagal nang plano sa pagitan ng Pilipinas at US bago pa man nagkaroon ng tension sa pagitan ng Pilipinas at China sa Panatag Shoal (Scaborough Shoal).
“The Balikatan exercise has nothing to do with the Panatag incident. It is not meant to antagonize China. We are hoping this will not result in provocation,” paliwanag pa ni Valte.