MANILA, Philippines - Mismong Malacañang na ang mag-uutos sa Department of Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang kaso ni dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo Jr. na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa kaniyang asawang si Alona noong 2002.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigal Valte, lilinawin nila sa DILG at sa mga awtoridad kung ano ang ginagawa upang maipatupad ang batas.
Inatasan din ng korte si Ecleo na magbayad ng P25 milyong damages sa pamilya ng asawa nitong si Alona Bacolod-Ecleo.
Ayon pa kay Valte, dapat ding ikonsidera ang posibleng gawin ng kampo ni Ecleo kabilang na ang paghahain ng apela sa korte.
Si Ecleo ang pinuno ng Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA).
Matatandaan na kinansela ng korte ang piyansa ni Ecleo matapos ilang beses na hindi dumalo sa hearing.