Tuition hike sa 100 iskul
MANILA, Philippines - May 100 private elementary at secondary schools ang nag-abiso na sa Department of Education (DepEd) para sa tuition fee hike ngayong school year 2012-2013.
Ayon kay DepEd-NCR officer-in-charge Rizalino Jose Rosales, natanggap na nila ang petisyon na humihiling na dagdag na singil sa tuition fee ng mahigit sa 100 paaralan sa Metro Manila.
Bunsod nito ay pinaghahandaan ng DepEd ang posibilidad na paglobo ng enrolment sa mga public school dahil maglilipatan ang mga mag-aaral mula sa private.
“Pangkaraniwan na kasi kapag nagtaas ang bayarin sa mga pribadong paaralan ay nawawalan ng mga enrollees o kahit yung mga existing na estudyante nila ay lumilipat,” ani Rosales.
Una dito ay umapela ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa mga magulang na sana maintindihan nila ang naturang paggalaw ng bayarin dahil kailangan nilang makalikom ng pondo para sa pagpapabuti sa serbisyo tulad ng pagkuha ng magagaling na guro at pagpapaganda sa pasilidad.
Noong nakaraang taon ay may 1,506 private elementary at secondary schools ang nagtaas ng matrikula.
- Latest
- Trending