Mainit na panahon hanggang Mayo - PAGASA

MANILA, Philippines - Aabutin pa ng hanggang sa susunod na buwan ang napakainit na panahon sa bansa.

Ito ang iniulat ng PAGASA matapos maitala nitong Huwebes  ang pinakamainit na panahon sa Metro Manila ngayong taon kung saan umabot sa 35.3 degrees Celsius ang temperatura.

Ayon kay Mario Palafox , weather forecaster ng PAGASA ,ang temperatura sa Kamaynilaan kahapon ay lumalabas na pangalawa lamang sa pinakamainit ngayong taon.

Show comments