^

Bansa

GMA, Mike, Abalos naghain ng 'not guilty'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naghain ng not guilty plea sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, asawa nitong si Mike Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. kaugnay sa kasong graft and corruption ng umano’y maanomalyang $329 milyong National Broadband Network (NBN) na proyektong pinasok ng pamahalaang Arroyo sa isang Chinese firm na ZTE Corp.

Humarap kahapon ang tatlo kasama ang kanilang abogado sa 4th division ng Sandiganbayan.

Ipinagpaliban naman ang arraignment kay dating Transportation secretary Leandro Mendoza na kasaluku­yan pa ring naka-confine sa St. Lukes Medical Center sa Taguig matapos makaranas ng mild stroke. 

Iitinakda na lamang sa Mayo 14, alas 8:30 ng umaga ang pagbasa ng sakdal, ayon na rin sa desisyon ni Judge Gregory Ong. 

Pumayag naman ang korte na huwag nang padaluhin ang dating pangulo at si Abalos sa pre-trial conference sa Hunyo 4 dahil sa magiging gastos ng gobyerno lalo’t kapwa nakakulong ang mga ito. 

Nagpiyansa naman si Abalos ng P30, 000.

Nabatid kay Martha Nucum ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC), nakararanas ng herpes zoster o shingles, isang uri ng viral infection ang dating pangulo na madali namang magamot.

Tumagal lang ng ilang minuto ang pagbasa ng sakdal sa mag-asawang Arroyo at kay Abalos at mabilis na umalis ang mga ito pabalik sa VMMC.

ABALOS

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUDGE GREGORY ONG

LEANDRO MENDOZA

MARTHA NUCUM

MIKE ARROYO

NATIONAL BROADBAND NETWORK

PAMPANGA REP

ST. LUKES MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with