^

Bansa

Dugo para sa mga preso ng Bilibid

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ngayong Semana Santa, nag-alay ng sarili nilang dugo ang ilang mga tauhan ng pulisya, mga jailguards, opisyal ng barangay at mga abogado para sa mga bilanggo ng National Bilibid Prison (NBP).

Sa pagsasanib ng Bureau of Corrections, Philippine Red Cross sa pangunguna ni Chairman Richard Gordon at ng MUNTI Paraiso Foundation, Inc., inilunsad ang programang “Alay na Dugo, Gunita sa Sakri­pisyo ni Hesukristo” sa loob ng NBP maximum security compound kung saan nakadetine ang ilang mga kilalang personalidad tulad ni dating Batangas governor Antonio Leviste.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gaudencio Pangi­linan na nasa 200 estu­dyante ng Criminology, mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Bureau of Corrections, mga opisyal ng barangay at maging mga abogado ang nagpartisipa sa pagbibigay ng dugo.

Ayon kay Jayvee Sebastian, punong mayor ng maximum security compound at inmate representative sa Munti Paraiso Foundation, nakatitiyak sila ngayon na may sigurado silang mapagkukunan ng dugo buhat sa PRC para sa mga inmates at mga kaanak na nagkakasakit.

Bukod dito, layon rin ng programa na mabura sa isipan at puso ng mga preso ang masamang impresyon sa mga alagad ng batas at barangay tanod na humuhuli sa kanila at mga abogado na nagpapakulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbisita at pagbibigay para sa kanila ng sariling dugo ng mga ito. Layon nito na maiwaksi ang galit, tumanim sa puso ang pagsasakripisyo at matutong magbigay para sa kapwa.

Bukod sa pagtiyak na may sapat na dugo para sa mga bilanggo, nangako rin si Gordon na magbibigay sila ng mga libreng pagsasanay at mga materyales para sa mga bilanggo at kanilang mga kaanak sa loob ng NBP upang may sapat na kaalaman sa sariling negosyo sa oras na lumabas na sila sa malayang mundo.

vuukle comment

ANTONIO LEVISTE

BUKOD

BUREAU OF CORRECTIONS

CHAIRMAN RICHARD GORDON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR GAUDENCIO PANGI

JAYVEE SEBASTIAN

MUNTI PARAISO FOUNDATION

NATIONAL BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with